Mga Kadahilanan
Marc Emanuel Lalas
Sa ilalim ng ilaw na nagbibigay-liwanag
Sa gabi, ang mga mata ko ay nagpapabihag
Sa mga librong naglalarawan ng kasiyahan.
Ngunit ika'y wala; bakit, bakit ika'y lumisan?
At ngayon, heto ako, hindi na ikaw ang hanap,
Kundi ang mga dahilan ng iyong pagkawala.
Sana'y naihabol ko ang isang mumunting sulyap.
Sana, ika'y manatili sa aking alaala.
Aking kalungkutan ay sadyang di ko maikubli,
Pero ako'y nagdarasal, sana'y hindi mawala,
Pag-ibig sa'yo, pati na rin ang pananatili,
Kasiyahang nadarama 'pag ikaw ay kasama.
'Di ko man malaman ang dahilan ng 'yong pag-alis,
Masaya na ako, kahit na ang tangan ko na lang,
Ang pag-asa na hindi na kailanman maglillihis
Ating landas, at ang puso na para sa'yo lamang.
(To my long-awaited literary Muse. I welcome you back. ;) )